Entry: Topak... Saturday, August 12, 2006



Kahapon at nung isang araw...tinopak ako.  Basta lang, tinopak ako.  Hindi ko nga maintindihan kung bakit...hindi ko rin alam kung ano ang dahilan, bigla na lang, gusto ko magkulong ng kwarto at wag kumausap kahit kanino...gusto ko lang mag-isa at basta lang gusto ko tahimik, tahimik...TAHIMIK!

Ayaw tumigil ng utak ko...sobrang nag-iisip ng kung ano-ano.  Mga bagay na dapat kong tanggapin, mga bagay na ganun na talaga at ang pinakamalupit...mga bagay na nagbibigay takot sa akin.  Takot na wala yatang puedeng tumulong...

Ilang beses ako sumubok na tumawag ng kaibigan.  Isang bratinela at tatlong bugoy, ilang beses ako sumubok na tumawag, mag-text...walang sumagot.  Gusto kong sumigaw, magwala kaso lang...may topak nga ako di ba?  Kaya ayun...pinili ko na lang na tumahimik.

Bakit ba kasi ganun?  Alam ko ang lakas ng utak ko...malakas ako mag-isip.  Pero ngayon, gusto ko lang na tumahimik yung utak ko...wag lang siya umandar...tahimik, tahimik TAHIMIK!

Di bale, wala na akong topak ngayon...nakakatawa na ako ulit...nakakangiti.  Para sa iyo na hindi sumuko...na nandun lang at PINILIT na kausapin ako at pasayahin...SALAMAT...sana sa susunod na topak ko, andyan ka ulit.

   1 comments

hungryheart
September 26, 2006   10:14 AM PDT
 
haha.... wat should i say.. naka2tawa... parang d n ibang pakiramdam...

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments